Kaisa ng sambayanan ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9.

 

Sa ilalim ng temang "Kagitingan ng mga Beterano, Inspirasyon ng nagkakaisang Pilipino," nilalayon ng selebrasyon na maipakita ang kabayanihan at pamanang aral ng ating mga bayani at mga beterano ng digmaan upang magsilbing inspirasyon sa bawat mamamayang Pilipino.