Maaliwalas na ipinagdiwang ng mga batang mamahayag ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) matapos mapasakamay ang Overall Champion title sa Municipal Schools Press Conference (MSPC) 2024 sa Karaos Elementary School, kahapon.

 

Nagtala ng kabuuang 49 na puntos ang paaralan kung saan naiuwi ng mga mamamahayag ang 15 gold, 1 silver at 2 bronze medals.
Bitbit ang tagumpay, sasabak sa bakbakan ng mga manunulat ang mga nanalong batang mamamahayag sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC) 2024 ngayong Marso 1-3.
Jasmine Arroyo | Ang Lantao