Nagbigay ng tulong ang mga miyembro ng Supreme Students Government ng Agusan del Sur National Highschool sa pangunguna ni SSG/BKD Adviser Sir Joel Plaza noong August 4, 2020 sa imga napiling pamilya ng Barangay Ebro, San Francisco Agusan del Sur. Sa pamamagitan ng Food Drive Campaign, mahigit sa 150 food packs and groceries ang ibinahagi ng mga mag-aaral sa mga mamamayan ng brgy Ebro na lubos naman ang pasasalamat sa biyayang ibinahagi sa kanilang ng mga mag-aaral ng ASNHS. Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring tumatanggap ang dawalang organisasyon ng mga tulong mula sa mga taong nais magpaabot ng tulong sa mga kababayan nating naghihirap bunga ng pandemya maaari di umano daw sila padalhan ng mensahe sa kanilang mga official facebook page na ASNHS Supreme Student Government at ASNHS Barkada Kontra Droga.