Ipinahayag ni school principal Dr. Marilou P. Curugan na mayroong mahigit 8,000 na enrollees ang Agusan del Sur National High School para sa school year 2020-2021. Sa mahigit 8,000 na enrollees, nasa 1126 sa Grade 7, 1331 sa Grade 8, 1367 sa Grade 9, 1256 sa Grade 10, 1202 sa Grade 11, at 1128 sa Grade 12. Ayon sa punong-guro, karamihan sa mga estyudante ay nagpasyang piliin ang modality na printed modular classes at digitized modular upang makaiwas sa mga aberya sa WIFI o signal ng data cellular networks. Samantala binigyang diin din ng punong guro na magiging katuwang ng kanilang paaralan ang 10 barangay ng kanilang lungsod na kumuwalipika bilang distribution centers ng mga ipapamahaging printed at digitized module kaya lubos din ang pasasalamat ng institution sa local na pamahalaan ng San Francisco sa supporting ibinibigay nila di lang sa paaralan kundi sa lahat ng sector ng edukasyon sa munisipalidad.