- Details
- Hits: 1087
Ipinahayag ni Dr. Marilou P. Curugan Punong guro ng Agusan del Sur National High School ang kanilang pinoprocesso ngayong dagdag na internet o wifi connection para sa mga gurong magtuturo ng digitized modyol at online classes sa kanilang paaralan. Ayon pa sa punong guro kasalukuyan silang nakikipag-coordinate ngayon sa globe telecom sa mga gagawing upgrading na labis na makakatulong upang mabigyan ng access ang mga guro ng paaralan. Mahigit na sa 300 na na umano bilang ng mga tagapagturo ng paaralan na kaya sila nakapagpasyang mag-upgrade ng system sa ang budget ay magmumula mismo sa school Maintenance and other operating expenses (MOOE) ng paaralan.
- Details
- Hits: 1642
Doble ang paghahandang ginagawa ngayon ng Agusan del Sur National Highschool para sa gagawing balik –eskwela sa new normal ngayong ika-5 ng Oktubre 2020 sa kabila ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID19 sa kanilang lungsod. Nasa mahigit 7500 ang kabuang bilang ng mga mag-aaral nakapag enrol sa paaralan na kumuha ng printed modular, digitized modular at may iilang kumuha ng online classes para sa Junior at senior high school kaya naman abalang-abala ang mga guro ng eskwelahan sa pag imprenta ng mga modyuls at pag gagawa ng mga digitized at online learning materials na kanilang gagamtin sa pagsisimula ng klase. Dagdag pa ditto ay nagbigay din ng tig-iisang face shield ang paaralan para sa kanilang mga guro at magbibigay ng libreng refill ng alcohol para sa kanialng faculty and staff. Naglagay narin sila ng mga foot bath sa mga entrance ng mga daan ng paaralan maging sa mga opisina at laboratories nito at dagdag na handwashing facilities sa loob ng campus.